Mahigit 3,000 Mindoreños ang dumagsa sa Aroma Beach sa San Jose, Occidental Mindoro para sa world premiere ng A Teacher Trilogy! Isang makasaysayang gabi ng sining, serbisyo, at malasakit sa edukasyon ang nasaksihan ng buong komunidad—hatid ng pagtutulungan ng EPYQ Films, Alienation, Pwersa Balita, at Nidz Diaz Team. Hindi lang ito pelikula—ito’y kwento ng bawat guro, estudyante, at pamilyang umaasa sa magandang kinabukasan.
Lubos ang pasasalamat nina A TEACHER PARTYLIST nominees Julieta Cortuna, Edgardo Avengonzar Jr., at Virginia Rodriguez sa walang sawang suporta ng mga taga-Mindoro. Saksi ang gabing ito na tunay ngang buhay at aktibo ang pagmamalasakit ng ating mga kababayan sa edukasyon. Kasama ang bawat Mindoreño, itinutulak ng A TEACHER Partylist ang adhikaing itaas ang antas ng edukasyon at isulong ang kapakanan ng mga guro at estudyante sa buong bansa.
Patuloy ang laban para sa makabuluhang pagbabago sa sistema ng edukasyon! Sa tulong ng mga kababayang tulad ninyo—mapagmahal, mulat, at handang kumilos—matutupad ang pangarap na transformative education para sa bawat Pilipino. Sama-sama nating itaguyod ang boses ng edukasyon sa Kongreso! 🇵🇭📚
Lahat ng problema may solusyon—kasama ang Diyos at ang #137 A Teacher Partylist!
#Ateacherpartylist #ateacherpartylist137sabalota
#Mindoro #SanJoseMindoro #TrilogyNiTeacher #EdukasyonParaSaLahat #BosesNgGuro #SerbisyongTunay #ArawNgGuro #PelikulangMakabuluhan #GuroAtEstudyanteUna